https://www.facebook.com/1501290316598511/posts/1929910613736477/
Gaano ba natin kakilala at kamahal ang ating pambansang wika? Paano natin ito pinahahalagahan pagdating sa ating pagkakakilanlan? Kabiyak ba ito ng ating nasyonalismo?
Gaano ba natin kakilala at kamahal ang ating pambansang wika? Paano natin ito pinahahalagahan pagdating sa ating pagkakakilanlan? Kabiyak ba ito ng ating nasyonalismo?
Patapos na ang buwan ng Agosto 2018. Ang mga mag-aaaral sa aming paaralan sa unang yugto nang Buwan ng Wika ay nagkaroon ng selebrasyon tungkol dito. May nagbarot-saya, patadyong at payneta, nagdamit katipunero at astang magsasaka. Binuhay namin ang mga katutubong tradisyon na tila unti-unti ng nakalilimutan tulad ng: Talasalitaan at Bugtungan, pagtula ng mga piling tulain at pagpapakita ng mga katutubong sayaw at awit.
Ang ikalawang yugto nang Buwan ng Wika sa aming paaralan ay nagbigay-daan naman sa mga katutubong palaro at pagkain. Ito ay tinagurian naming Pistang Pinoy, kung saan ang mga katutubong kakanin ang bida sa selebrasyon, tulad ng biko, sapin-sapin, turon, palitaw sa dahon ng saging at pansit-palabok sa bilao. Nagkaroon ng palarong Pinoy tulad ng Patintero, Pabitin, Hampas-Palayok, Luksong-Tinik, Tumbang Preso at Tsato. May saya at galak ang naging selebrasyon ng mga bata, madirinig mo ito sa kanilang hiyawan at hagikigikan. Ito'y isang halimbawa ng simpleng kaligayahan ng mga Filipino, na maaaring dahilan kung nagagawa natin ang ngumiti gaano man kasalat ang buhay.
Alam kong hindi sapat ang mga ito upang ganap na makilala ng mga batang mag-aaral ang kanilang mga sarili bilang isang ganap na Filipino pagdating sa ating sariling wika, ngunit ito ay isang magandang simula.
Isang simulain na noon pa man ay inumpisahan ngunit hindi umusad sa isang malaganap na pagbabago. Kailan ba tayo nakarinig ng isang nasyonal na kompetisyon ng Balagtasan sa telebisyon o kaya naman ay isang malawakang paghahanap sa isang natatanging alagad ng tula? Sapat na ba ang isang buwan sa isang taon na pagising upang ganap nating kilalanin na ang ating wika ay katangi-tangi?
Korean students in the Philippines once remarked.
How can Filipinos manage to do that? They can mix English and Tagalog as if it is one language on its own. And they can understand each other!?
Take an example from Kris "I will make tusok-tusok the fishball."
At the international choir competition where the UP Madrigal Singers won all the international competition singing our native songs, the judges cannot believe the melody and the lyrics our singers and composers set in. I believe the UP Madrigal Singers is now lodged at the Hall of Fame. Our Folk Dancers are also a team to beat on international stage of dance. As a result even other countries from Asia, Europe and America are competing in dance and singing competitions using pieces of our native songs, maybe they have learned that our songs and dances are winnable.
Hayaan ninyong iparating ko sa isang maikling tula ang isang paalala;
Ang kakayahan ng Wikang Filipino ay isang tubig na dadaloy,
Gaano man kakitid ang ilog na kanyang babaybayin,
Ang ating mga sayaw at awit ay may liriko at indayog,
Na makapagpapayaman sa isipan ng mga susunod nating salinlahi.
Huwag sana nating ipagwalang-bahala, huwag nating itatwa.
Johnie DR Cuison, PhD
ika-27 ng Agosto, 2018
#Pilipinas #Wika #Filipino #Kultura #Sayaw #Tula #bata #UP #Nationalism #School #Buwan #SentrongWikangFilipino #song #dance #sayaw #awit #pista #fiesta #reminder #paalala #Asia #Korea #english #competition #Philippines #Pinas #Pinoy #contest #international #poem #language #America #Europe


No comments:
Post a Comment