Thursday, January 18, 2018

It's More Fun to Grow Old in the Philippines!

Johnie DR Cuison, PhD


Ang personal na opinyong ito ay naka-ayon pa rin sa aking mga naging paglalakbay (The Traveling Blog), na nagbigay sa akin ng pananaw na, ang paglalakbay ay isang pagpukaw sa kamalayan patungkol sa iba't-ibang bagay ng buhay.

Ang aking mga naging karanasan sa paglalakbay ay nagpakita sa akin nang maraming bagay na kung hindi ko pinansin sa una pa lamang ay maaaring naging katuruang aking pinalampas. Malaki ang pasasalamat ko sa aking mga magulang dahil sila ang nagbukas sa aking kaisipan nang isang paniniwalang - hindi ako tutungo sa ibang bansa upang maghanap-buhay, bagkus ako ay mangingibang-bansa bilang isang turista. Tandang-tanda ko pa ang positibong-katuruang ito mula sa aking mga magulang.

Please don't get me wrong, hindi ako naglalahad nang isang kayabangan, at lalung hindi ko minemenos ang ating mga OFW's (ang ating mga Bagong Bayani) sa kanilang  kontribusyon sa pag-unlad ng Pilipinas at kung gaano kalaki ang kanilang naging sakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit kung inyong pakaiisipin, hindi buhay sa ating isipan ang positibong-katuruan ng paglalakbay bilang isang turista.

Hayaan ninyong ipaliwanag ko ang aking saloobin.
Ang mga pangyayaring aking isasalaysay ay hindi hango sa isang pook lamang, ito ay aking nasaksihan sa bansang Hongkong at Singapore.

In dining at fast-food restaurants in Hongkong and at Hawker Food Centers in Singapore, I saw old people (probably aged 65 to 75 years old) working as table cleaners. Sa kanilang edad at antas sa pamayanan hindi ko mawari kung bakit kailangan pa nilang magtrabaho upang kumita. Halos hindi na sila makalakad ng diretso at maayos, mabagal na talaga silang kumilos, nakaramdam ako ng awa at nais ko sana silang tulungan pero naisip ko, baka ma-offend ko naman sila, kaya't nanatili ako sa aking kinauupuan at muli silang pinagmasdan. Sila ay nagligpit, nagpatung-patong, nagpunas at nagtulak nang maliit na kariton na lagayan ng maruruming pinagkainan at minsan ay nagkamaling magligpit ng hindi pa tapos na isang plato ng  pagkain - ang plato ko!  Sa ganitong pangyayari, sino nga ba ang hindi maka-aalala sa kalagayan ng kanyang sariling magulang.

Inalala ko, mayroon ba akong nakita sa Pilipinas na mga Senior Citizens sa ganoong edad na nagtatrabaho pa sa fastfood chain o kaya naman ay sa foodcourt ng mga malls sa Pilipinas? Ang alam ko wala, kung mayroon mang Senior Citizen na mapapansin ka sa mall, sila yung nasa entrance na bumabati lang ng "Magandang Araw" sa mga mall-goers! May batas ang Pilipinas hinggil sa mga pribilehiyo at karapatan ng mga Senior Citizens at kung ating pag-aaralan, nakatutuwang malaman na mas maayos ang ating batas na nagbibigay pagpapahalaga sa mga matatanda sa ating lipunan kumpara sa ibang bansang Asyano. Sana lang ay naipatutupad ito ng maayos. 

Para bang IT'S MORE FUN to grow old in the Philippines, dahil kung susumahin, sa Pilipinas mura pa rin ang ating mga pangunahing pangangailangan ang presyo ng mga damit, pagkain, at upa sa apartment ay mababa pa rin kumpara sa ibang bansa sa Asya, Amerika at Europa. Ang mga dalubhasang Doktor sa Pilipinas ay personal na nakikipag-usap sa pasyente at madaling malapitan. Ang mga kapitbahay, kahit hindi man natin kaanu-ano handang tumulong sa oras ng pangangailangan. Saang bansa ka pwedeng humingi ng libreng sabaw at unli-rice, patis, toyo, sili, calamansi at kung anu-ano pa sa pagkain mo sa restawran? Sinubukan ko sa Singapore na humingi ng extra soup para sa noodles, tiningnan lang ako ng serbidora at para bang siya ay nahiwagaan. Dahil alam mo naman ang Pinoy mahilig sa discount. Sa isang souvenir shop sa Malaysia sinubukan kong humingi ng discount dahil marami naman akong, nabili, ang sagot ni Manang sa akin, in Chinese accent  "NO! NO! MY SHOP VERY VERY FAMOUS, NO, NO DISCOUNT, at itinuro niya ang mga plake ng award na kanyang nakamit. Kung sabagay, may kalidad naman talaga ang kanyang paninda may kamahalan nga lang.

Sa pamilihan dito sa Pinas, kung namamahalan ka na sa binibili mong isda, mas magugulat ka sa iyong gagawing pamimili sa Japan, sa Korea at maging sa Australia, pagdating sa agwat ng presyo. Sa Pilipinas kahit nasa kilalang Appliance Store na ang muebles, kung maayos kang makipag-usap makahihingi ka pa rin ng dagdag na discount. Pwede ba ang mga ganito sa ibang bansa? The Filipino shopping spirit is always "sale" and "discounts", nagpapaligsahan pa nga ang mga malls tuwing matatapat ang weekend sa payday.  

May kumpyansa ako na ang pagtanda sa Pilipinas ay mas may kapanatagan at kasiguruhan. Simple lang naman ang panuntunan ng buhay - kung naging mabuti kang miyembro ng iyong pamilya o ng iyong pamayanan imposibleng walang kumalinga sa iyo kapag ikaw ay mahina na at uugod-ugod. At mas higit pang kapana-panatag ang katotohanang ang mga Filipino ay likas na mapagkalinga, kaya nga "THE BEST" ang mga caregivers at nurses na Filipino.

I am not patronizing or Philipinizing here, I am not even comparing. I just feel, it's going to be hard for me to grow old in a place where the natural-borns would consider me as an alien. Sa Pilipinas, kahit na ang hanging hinihingahan ko ay humalo na sa buga ng tambutso, kahit na ang seafoods ay naligo na sa pulang tubig at binalaang "the red-tide flag is up", at kahit na minsa'y nakipagtagisan ako ng paliwanang sa aking mga mahal sa buhay nang dahil sa ilang bagay, ayokong tumingin sa labas ng bintana ng sa aking pagtanda nang may agam-agam at makaramdam ng pag-iisa. Malayo pa po ang aking lalakbayin bago ako maging isang ganap na Senior Citizen, at syempre hindi po ako nagmamadali (he he he!) Ang sa akin po ay isang pagsagot lamang sa tanong na PAANO KUNG?

Tulad po nang isang panumpa na matagal ng naisulat, hayaan nyo pong baguhin ko ito ng kaunti:

Panatang Makabayan, Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan,
Ito ang tahanan sa pagtanda man ng aking lahi ... 

Copyright 2018. 
cuisonjohnie@gmail.com












Friday, January 5, 2018

#MRT & #LRT

MRT/LRT PHILIPPINES
NANGUNA NGUNIT NANGULELAT?

Traveling is an eye-opener on all sorts of things, be it culture or people, whether going out of the country or just visiting a local region. Just recently, I visited Singapore for academic and professional reasons and at the same time, meet some colleagues of whom I have not seen for a very long time and have my vacation as well. Listed on my itineraries were visiting sights and rides at the Universal Studios, Sentosa Underwater World, Marina Bay Sands, Merlion Park, Singapore Chinatown and, of course, I needed to visit the NUS (National University of Singapore). It's been in my head for quite sometime. 

I arrived at Changi airport at 2AM, so I decided to have my breakfast, and besides, the subway train opens at 5 am, so I still have enough time to stroll around the airport. The Changi Airport, one of the best airports in the world is a destination in its own right. From terminal 1 to 4, awaiting passengers are invited to a free movie to relax, play with video game consoles, watch large screen television - showing Singapore's multi-cultures in segments and browse through a free internet access. There are also tourist spots in each terminal to visit such as; the Butterfly Garden, the Koi Fish Pond, the Cactus Garden and an array of Singaporean street food, all of these, in order to make the passengers not to feel bored and stuck.

At 5AM the train opens, on time, and in less than an hour ride, I arrived at Orchard Road. It was a little spooky because I was greeted by the squeaking crows on top of the buildings and tall trees, the crows squeaked so loud. Orchard Road, in an early morning breeze is still brightened by colorful lights designed for the coming Christmas season.

With many itineraries on my list, I opted to take the subway train to travel around Singapore. Taxis are very expensive and traveling by bus will take a long time. Compared to buses and taxis, taking the train is a lot cheaper. In Singapore, traveling by train only costs less than two-Singaporean dollars, whether it is a long or a short ride.

There is something that kept me wondering. I have travelled to other countries aside from Singapore, I can not help but feel envious about other countries transport system - America, Australia, London, Korea, Japan, Hong Kong, and Malaysia. Unlike our notorious or should I say,  motorious MRT's and LRT's, their rapid (LRT) transport is truly time efficient.

Allow me to compare, Singapore trains do arrive on time, ours is mostly late and no specified time to follow, Singapore trains travels smoothly, spot clean from floor, walls to ceiling and air-conditioned, if you are a regular MRT/LRT commuter you know what's in contrast here. In my whole stay of traveling by train in Singapore I have never smell anything foul, sweaty or fishy, (ang sa atin parang sardinas kulang na lang magkapalit-palit tayo ng mukha, at sa sari-saring amoy, immune na yata tayo). Manuevering is not manned, Singapore's rapid transit is programmed and computerized, (at ang ating LRT may drayber sa unahan).

For the Singaporean government, safety of passengers is first and foremost, trains have double-doors for extra precaution, safety announcements are broadcasted for any suspicious activity with respect, (ang LRT sa atin iba, matindi ang dating, "MAG-INGAT PO TAYO SA MANDURUKOT"). 

There are maps at the stations and inside the train arrowing where the trains are going and station names are well maintained, (sa atin marami nang sira-sirang karatula ng mga istasyon, kaya minsan, ako mismo lumagpas sa Quirino Station).

Local police and subway personnel are visible to direct tourist like me on what train to take going to my destination. Commuters are well-behaved they wait in line, (ang sa atin, hindi mo na kailangan humakbang may tutulak sa 'yo papasok sa loob ng train).

The Manila Light Railway Transit System Line was the first in South East Asia, established in 1984. Singapore followed in 1987, and the Philippines were ahead of the race when it comes to rapid transit. As of today (2018), the Philippine train system have 3 lines; (LRT Line 1) serving from Roosevelt to Baclaran station, (LRT Line 2) serving from Santolan to Recto station and, (LRT Line 3) serving from Pasay Taft to North Edsa, while Singapore's MRT, is spanning its entire city-state.

What happened?
I can't help but ask myself, kung nagawang simulan bakit hindi nagawang tuloy-tuloy at naging progresibo? Why does my country suffers from the 'ningas-cogon' negative trait? The Philippines started the first light-rail transit in South East Asia, how come we are the one being left behind? 

Talaga bang tinanggap na nating sa SIMULA LAMANG TAYO MAGALING? TAYO ba ito bilang isang lahi, NANGUNA NGUNIT NANGULELAT?

Copyright 2018.
Dr. Johnie DR Cuison










From SURIGAO to SIARGAO

#UCCP MISSION TRIP  #April 2019