ANONG AKLAT?
(Isinulat ni Dr. Johnie Cuison, ika-12 ng Agosto, 2017)
(Originally written in Filipino, please do not use English Translator)
Anong aklat ang tahasang makapagsasabi
Na ako ay banal, "Ako ang una at huli"
Nagkwento ng himala nang kahapon, ngayon at bukas
Isinulat, inakda libong taon na ang nakalipas
Maraming aklat ang sa atin ay dumaan
Ako man ay nagbasa din at nag-ipon ng kaalaman
Sukdulang inalam ang mga anyo ng buhay
Ngunit tila di-angkop ang totoo sa tunay
Sa lahat ng aking aklat na inunawa
Iba ang handog nang Banal na Salita
Isa itong tubig sa taong uhaw at dalita
Salaming magpapakilala sa dungis ng ating mukha
Sino sa mga paham ang makapagpapatunay
Na ang Bibliya'y hindi banal at tunay
Sino sa mga diyos-diyosan ang nakalikha ng langit at lupa
Hindi ba't wala?, wala naman wala!
Marami na ang nagtangkang ito'y ipawalang-bisa
Siniyasat at binusisi na ng syensya't ateyista
Namatay nang lahat mga henyo at henya
Ang Bibliya'y nanatili sa muog nyang tibay at pag-asa
(cuisonjohnie@gmail.com Writings 2017 #01
No comments:
Post a Comment