Johnie Cuison, PhD
Nagtatanong lang naman, ang pag-aaral ng mga bata ay nasa Nobyembre na nang taong 2017. Bakit kulang pa rin ang mga aklat ng mga bata para sa kanilang pag-aaral, sa elementarya at sekundarya? Sa mga hindi po nakaaalam, magsisimula na ang Ikatlong Markahan sa pampublikong paaralan. Ano na ang nangyari sa taunang badyet para sa mga aklat? Meron ba talaga, baka naman wala? Matagal ng diskusyon ito, taun-taon na lamang ba nating puproblemahin?
Alam ito ng mga guro at mga magulang sa pampublikong paaralan. May mga tanggapan ang DepEd sa National level, Regional level at Division level na maaaring magtulong-tulong upang maresolba ang misteryong ito, pero bakit tila walang nagtatanong at walang nag-aalsa sa isyung ito? Minsan lamang napag-usapan sa telebisyon, tapos na agad? Mabuti pa ang mga kaskaserong drayber at mga pasaway na dyip sa lansangan may Nationwide Strike! May nais na makamtan.
Nakapagatataka kung paano natututo ang mga kabataan sa ngayon, kung iisipin kulang ang pinagkukunan nila nang mga tala-aralin at gamit-pagsasanay, kayat masasabing hikahos ang kanilang kaalaman. Ang mga aklat-pampaaralan (textbooks) ay batayan ng mga guro sa pagbibigay ng marka at takdang-aralin, ito rin ang kanilang gamit upang masubaybayan ang pagunlad (enrichment) ng mga mag-aaral. Kung ang mga aklat-pampaaralan ay kulang-kulang, paano pagdurugtungin ng mga guro ang araw-araw na pagtuturo?
Kung nabasa ninyo ang mga nauna kong sulat, ako ay nakikipagdayalogo sa aming mga mag-aaral tuwing may pagkakataon, ginagawa ko din ito sa mga dati naming mga mag-aaral na bumibisita sa amin paminsan-minsan. Isa sa mga naging dayalogo ko sa kanila ay nagbigay ng mga ganitong pahayag:
"Puro na lang sulat at kopya sa 'blackboard' ang ginagawa namin, ang libro hiraman, minsan naman 'pa-xerox', nagagastusan pa kami, magastos din po kasi bente pesos bawat module."
"Tama! Kami din, Wala kaming masyadong recitation, walang diskusyon sa loob ng silid-aralan, nauubos oras namin sa pagkopya-kopya".
"The Philippines is a nation of nonreaders," isang pahayag na galing sa isang mananaliksik ang nagpatunay na, ayon sa kanilang ginawang istatistikal na pagsusuri (pcij.org, J.M. Luz, 2007), ang mga Filipino ay walang hilig magbasa. Marami ang nagbigay ng mga haka-haka kung bakit ganito ang ating naging kaugalian pagdating sa pagbabasa, may nagsabing dahil sa pagpasok ng internet o makabagong teknolohiya, dahil sa mga bagong gadyet ng komunikasyon o dahil sa telebisyon. Maaaring malaki rin ang naging kontribusyon nang mga nasabing kadahilanan, ngunit ang aking sapantaha ay ito, ang pagbibigay ng importansya sa pagbabasa (the love to read) ay hindi naitaguyod sa maagap na pag-aaral, kung kaya't hindi ito naging likas sa mga Filipino.
Reading is a benchmark for literacy. Reading, as a skill must be exercised continually to further simple literacy towards functional literacy. It is not just the ability of the person to read and write and understand a simple message in any language or dialect, continuous reading develops academic understanding and competence. Continuous reading leads to a higher order of thinking that allows persons to communicate meaningfully and reasonably in life situations in a written language. That is why basic education needs the complete set of textbooks, one is to one.
As of this year (2017), President Duterte signed the Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act. The law aims to provide free education in state colleges and universities, it will probably be executory by the year 2018. This in my opinion is incoherent. If allotting billions of pesos for free tertiary education is as easy as signing it, how come primary school textbooks seem less important? All school institutions will vouch to the truth, that elementary education is the foundation of all learning, it is where the 3R's of learning are formed namely: reading, writing and arithmetic, it is also a reflection of language proficiency. Reading is the key to 'life-long learning', it is basic for academic progression. Poor reading entails poor learning.
Sa sekundaryang pag-aaral (high school), ang pag-aaral ng agham at matematika ay nangangailangan ng kalidad na uri ng kakayahang magbasa dahil ang takbo ng kanilang pag-aaral ay sariling-sikhay (self-taught), kung sa ganitong antas ng pag-aaral ay salat na ang mga kabataan sa kahusayan sa pagbabasa at pagintindi, ano na ang magiging kalagayan nila sa kolehiyo?
Ang mga libro ay esensyal na pangangailangan ng mga batang mag-aaral. Kung ito ay hindi nila tangan sa panahon ng kanilang pag-aaral, mananatili ang kanilang isip sa imahinasyon at agam-agam, at maaaring hindi na nila tuluyang mararamdaman ang sigla ng pagkauhaw sa karunungan. Ang aking hinawa..... katulad sa bansang Japan at Singapore, sana ay dumating ang panahon na ang mga batang mag-aaral na Filipino ay magkaroon ng sapat na gamit, maging sila man ay nasa lalawigan. Hindi na kailangan pang maghiraman, umuwi ng gabi galing sa silid-aklatan at gumastos ng ekstra dahil kinailangan.
Copyright 2017.
drjohniecuison.blogspot.com
Writings 2017 #14 cuisonjohnie@gmail.com
#aklat #books #DepEd #education #reading #writing #math #mathematics #arithmetic #readers #nonreaders #elementary #highschool #school #xerox #module #textbooks #teach #teacher #teaching #classroom #class #college #students #kids #children #read #Filipino #Philippines #Kto12

No comments:
Post a Comment